Friday, June 30, 2006

Para kay Ate Suy


Lagi na lang akong talo. Buong buhay ko, lagi akong nasusulutan ng iba. Tapos, ngayon, lahat ng gusto ko, nakukuha mo. Oo na, mas maganda ka na. Mas malakas ang karisma mo. Kaso, pare-parehas lang naman tayong nabiktima. Tanggapin na natin yun.

Trust me, hanggang text-text lang kami. Balita ko, mas higit na nakalamang ka pa nga sa akin. Kaya huwag na natin siyang pag-awayan, pwede? Ready naman akong magshare. Three months sa akin, three months sa'yo, choice mo pa kung aling months ang gusto mo. Ayaw mo parin?

Sige na nga. Sa'yo na siya. Masyado na ring magulo ang buhay ko kung kasama pa siya. Magkaibigan tayo. Tayo-tayo na nga lang magkakasama sa barangay, mag-aaway-away pa ba tayo? Wag naman sana.

Sige na, Len. Sige na, please.

Pwede ibaba mo na yang kutsilyo?
Please...




No comments: